Boses
At dahil buwan ng Agosto ngayon pipilitin kong magsulat ng isang artikulo sa purong Tagalog. Pagmamahal sa buwan ng wika. Isang pagpupugay sa mga taong pinanindigan ang pakikipaglaban sa kalayaan para magamit natin ang sariling diyalekto. Ano ba itong Boses? siyempre isa itong pelikula. Isang sine na kalahok sa Cinemalaya hindi ko lang malaman kung sa kasalukuyan o sa mga nakaraang taon. Ang mahalaga isa itong hindi komersyalismong pelikula. Isang sine na naglalaman ng simpleng tema. Isang palabas na hindi ginastusan. Isang pelikulang kayang gawin ng estudyante sa kolehiyo. Pero siyempre ang gumawa nito ay isang batikang manggagawa na din siguro. Maraming artistang sikat. Chery Pie. Teka siya lang ata ang kilala ko. Nakita ko nuong nakaraang linggo sa sinehan sa SM na nagpopromote si Boy Abunda ng nasabing pelikula. Naakit ang aking pansin at tiningnan ko ang poster ng sine. Mukang maganda. At kahapon napanood ko nga. Isang palabas na may halo halong emosyon. Halo halong sigaw...