Boses


At dahil buwan ng Agosto ngayon pipilitin kong magsulat ng isang artikulo sa purong Tagalog. Pagmamahal sa buwan ng wika. Isang pagpupugay sa mga taong pinanindigan ang pakikipaglaban sa kalayaan para magamit natin ang sariling diyalekto.

Ano ba itong Boses? siyempre isa itong pelikula. Isang sine na kalahok sa Cinemalaya hindi ko lang malaman kung sa kasalukuyan o sa mga nakaraang taon. Ang mahalaga isa itong hindi komersyalismong pelikula. Isang sine na naglalaman ng simpleng tema. Isang palabas na hindi ginastusan. Isang pelikulang kayang gawin ng estudyante sa kolehiyo. Pero siyempre ang gumawa nito ay isang batikang manggagawa na din siguro.

Maraming artistang sikat. Chery Pie. Teka siya lang ata ang kilala ko. Nakita ko nuong nakaraang linggo sa sinehan sa SM na nagpopromote si Boy Abunda ng nasabing pelikula. Naakit ang aking pansin at tiningnan ko ang poster ng sine. Mukang maganda.

At kahapon napanood ko nga. Isang palabas na may halo halong emosyon. Halo halong sigaw ng mga karakter na pilit sinasabi ang kanilang boses at saloobin sa ibat ibang paraan. Mayroong sa pagsasalita. Sa pagtipa ng nota. Sa hindi pagkibo. Sa tangkang pagpapakamatay. Sa tuluyang pagpapakamatay. Sa pagtago at pagtakas sa problema. Malabo di ba? Panoorin mo at maliliwanagan ka.

Isa itong palabas na kung tutuusin eh tungkol lang sa pag abuso sa bata. Natakot tuloy ako. Para akong bata. Ganon nga pala yun. Pag inabuso ka madadala mo yun hanggang sa pagtanda. Isang proseso at mahabang proseso ang gagawin upang maghilom at makalimutan ang mga sakit at takot sa mga bata kung nakaranas sila ng ganitong pag abuso lalo na at galing sa mismong magulang nila.

Isang realidad. Isang pagsasalamin sa lipunang Pilipino. Hindi na ako nanibago sa tema kasi nakita ko na ito. Nadinig. Naistorya ko na din siguro.

Isang paalala sa atin na minsan tayoy maging tao.Maging tao tayo dahil minsan lang tayong mabuhay.

Ito ang boses ko.

Sa pagsusulat. Sa pagbabasa. At sa pagdarasal na din siguro.

Ikaw ano ang boses mo?


Comments

Popular posts from this blog

Better Be Alone Than Sorry

Goodluck!

(New) Home Sweet Home!