Akala ko wala ng katapusan. Akala ko mananatili akong bata magpakailanman. Pero mali ako. Habang lumilipas ang oras, ang segundo ang minuto, ganon ang edad ko. Mag 48 na nga pala ako sa June. Ang bilis no. Dati bata pa ako. Walang muwang sa mundo. Walang kaalam alam sa mga realidad at misteryo at sikreto ng buhay. Ganoon pala. Madali din lang naman pala. Akala ko mahirap. Hindi pala. Hayaan mo lang ang panahon na umusad. Hayaan mo lang ang kalendaryo na magpalit ng buwan, ng taon. Hayaan mo lang na ang panahon, ang bagyo ang ulan ang tag init ay lumipas. Hanggang andito na ako ngayon. Nagsusulat. Wala ng panahon? Meron naman. Pero mas pinahusay na ng panahon. Mas pinatibay na ng panahon. Ako nga pala si Mr M. Ganon na lang. Be anonymous sa panahong ang privacy ay halos wala na. Lahat na lang alam ng mundo. Lahat na lang nakabulatlat at handang mabasa o makita ng iba. Pero may pakialam ba sila? Mukang wala naman. So walang problema. Sana samahan nyo ako sa mga journeys ko sa ...